The Prayer - Marcelito Pomoy

Powered by mp3skull.com

Huwebes, Hunyo 30, 2011


Clarencians Kami

Isinulat ni: Angelica B. Tomale




Pag gising ko sa umaga
Palagi ko'ng naaalala
Ang lugar kung saan ako ay pumupunta

Araw - araw ko sya'ng nakikita
Araw - araw ko sya'ng nadadama
Ni minsan, ay di ko nagawang lumisan
Dahil sya'y isang kayamanan sa mga kabataan

CCMSF ang kanyang pangalan
Ang tinutukoy ko ay ang aking paaralan
Sya ang nagbigay edukasyon sa mga kabataan

Balang araw ang CCMSF ay aming lilisanin
Pero balang araw ako ay babalik din
Sa kanyang piling natoto ako'ng magpakatao
Sa kanyang silid naramdaman ko ang tunay na ako

Clarencians kami! ang tanging sigaw namin
Ang aming pag-aaral ay aming tatapusin
Dito namin iiwan ang aming Alma Matter
Clarencians kami at yan ang nakatatak sa amin!
Guro ko, Bayani ko
     
     Isinulat ni: Angelica B. Tomale



Bata pa lang ako
Inaalam ko na kung bakit kayo nagtuturo
Pero ngayo'ng nalaman ko, ito'y aking napagtanto
Dala mo'y pagtuturo sa pamamagitan ng pagiging guro


Ituro sa akin mga numero at letra
Talaga naman, hindi matatawaran ang sipag ng aming mahal na maestra
Mga masasamang gawain at ugali ay iyong winawaksi
Mga masasayang bagay na hindi ko malilimutan


Masakit ma'ng isipin sa damdamin
Ang paaralan balang araw ay aming lilisanin
Mga aralin at pagtuturo ay aming tataglayin


Pinupugay namin kayo
Sa pagsisilbing bayani sa iyong kapwa lahi
Salamat! ang tanging bigkas ng aking labi
Guro ko, bayani ko, salamat sa sakripisyo

Miyerkules, Hunyo 29, 2011




CLARENCIO CALAGOS MEMORIAL SCHOOL OF FISHERIES


                                                     .
                                                                  
                                           
      1969, taong naaprobahan ang nasabing dokumento na nagpanukala na itayo ang isa'ng paaralan sa Region 8, Samar. Sa tulong ng mga maimpluwensyang tao sa Samar ay nag tagumpay na mabuo ang proyektong ito. Isang proyektong nagsilbing biyaya para sa mga henerasyon ng kabataan. 
       1971,  ang  taon na naipatayo ang Clarencio Calagos Memorial School of Fisheries (CCMSF) sa Region 8, Division of Samar. Ito ang tanging "Vocational School" sa Sta. Margarita, Western Samar. Matatagpuan ito 700 km. mula Tacloban, Eastern Samar. Nagsimula ang paaralang ito nang may apat (4) na natatanging guro lamang, gayon pa man pinilit at pinagsikapan nilang paunlarin ang CCMSF.

         Hanggang ngayon, 42 na taon na ang nakalipas,patuloy pa din ang pamamayagpag ng CCMSF sa iba't - ibang larangan. Patuloy pa din ito'ng nakikilala dahil sa mga matatagumpay na mga estudyanting produkto ng CCMSF. Isa na rito si Mr. Gerald Atchaso na nagtapos sa kolehiyo bilang  Magna Cum Laude sa kursong "Education" at si Miss. Joan  Pardique na nagtapos din bilang Cum Laude sa pagka kolehiyo
                                                                                      Mr. Gerald Atchaso ( Magna Cum Laude )
                                             
        
                Ako ngayon ay 3rd. yr high school na sa paaralang aking minamahal, kung saan kami magtatapos at kami ay magiging bahagi ng historya ng CCMSF. Sisikapin naming pangangalagaan namin at patuloy na paangatin ang pangalan ng paaralang kaylan man ay nakatatak na sa amin ang "CLARENCIO CALAGOS MEMORIAL SCHOOL OF FISHERIES". Dito kami natutong makibagay, maging tao at magpaka tao. Lumisan man kami ang aming mga ala-ala ay mananatiling nakatatak sa kinatatayuan namin at magiging bahagi ng buhay namin.
Miss. Joan  Pardique ( Cum Laude )