The Prayer - Marcelito Pomoy

Powered by mp3skull.com

Linggo, Hulyo 31, 2011

Minsan May Isang Ina

Minsan May Isang Ina




          Tingin ng mga bobong kapitbahay ko malas daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon.Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara makinig ka muna sa kwento ko,upo muna tayo. Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong bastos na foreigners ang namyesta sa katawan ko.

            Sa tatlong beses akong nagalaw, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon . Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ˜Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.Walang hiya! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. ˜Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

            Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.


          Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May  nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Wala na kase ang isang magandang tulad ko.


              Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpagpapagamit  kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na  kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking  puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa  din.
 Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.
                Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man,  nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gustong  magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

               Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO! Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.


Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala


Biyernes, Hulyo 29, 2011

Ganti



                  Isa, dalawa, tatlo, asaan na kayo? Apat, lima, anim, sana ay maibalik ka namin. Pito, walo, siyam, sampu, bakit pilit kayong sinisira ng tao? Napansin mo ba ang pagbabago sa ating kapaligiran? Wag kang maging bingi sa katotohanan. Alam kong, alam mo ang problema na pinapasan ng buong mundo. Wag mong sabihing wala kang pakialam dahil ikaw mismo ay suspek sa pagpapasakit sa kalikasang ginagalawan mo. Idilat mo ang mga mata mo at ng makita mo ang tunay na kalagayan ng kapaligiran. Sino ang may karapatan sa mundo? Ang tao ba ang kumokontrol sa kalikasan o ang kalikasan ang kumokontrol sa tao? Marami na akong nadinig, marami na akong nasaksihan. Saksi tayo sa pang-aabuso sa kapaligiran. Tama na! Sobra na! Wala na sa ating natira kundi mga basura. Lahat ng bagay ay may kapalit. Sa mga kinuha natin, meron din sa ating kukunin. Nalaman mo ba ang magiging kapalit? Di ba hindi? Pagtantuhin mo kung ano ang sinasabi ko at ng malaman mo.



              Marami na ang nasayang na buhay. Marami na ang naghirap at patuloy na naghihirap. Sa paglipas ng panahon marami na ang nabago. Tsunami, lindol, bagyo at kung ano ano pa ay hindi lamang basta basta. Kung hindi lamang natin pinutol ang mga puno wala sanang mga pagguho, wala sanang nasayang na ari-arian at wala sanang nawala na mga buhay. Kung wala lang sana ang mga pabrika na lumalason sa mga tubig. Meron pa sana tayong mga isda at mga yamang tubig na makikita, magagamit at maipagmamalaki. Kung wala  lang sana ang mga matataas na mga bilding, wala sanang masasaktan kung may lindol. 
                Ito na ba ang ganti? Ganti sa ating mga kasalanan. Ganti sa ating mga sinayang at sinasayang sa kapaligiran. Ganti sa ating mga kamalian. Tayo mismo ang gumagawa ng paraan upang tayo ay mawala. Unti - unti nating pinapatay ang paligid. Ang mga sakuna, ay paraan lamang upang tayo ay magsisi. Masasabi nating pagsubok lamang ito, matira ay matibay. Pero, kung ang kalikasan ang gumanti, walang matibay at siguro wala ng matitira sa paglipas ng mga panahon. Hindi natin nakikita, hindi natin nararamdaman at hindi natin napapansin na tayo ay unti unti ng sinisingil Singil sa kung ano man ang kinuha at kung ano man ang sinira.


             "Hindi nga masama ang pag-unlad at malayo layo na rin ang ating narating" ika ng awitin. OO! Uunlad nga tayo, pero patuloy tayong mangungulila sa nakagisnang paligid. Balang araw hahanapin natin ang paligid na sinira natin. Balang araw pagsisisihan natin ang kasalanang ginawa natin sa kalikasan. Hindi na ako siguro magtataka kung tayo mismong mga tao ay sisingilin ng higit pa sa kinuha natin. Damang dama ko kung paano gumanti ang kalikasan. Diba, lahat ay may kapalit? Kung ang mga puno, hayop, at tubig ay nawawala, paano pa kaya tayo. Paano pa kaya natin makakaya na mabuhay kung pinatay na natin ang nagpapaunlad sa atin. Pag-isipan nyo ang mga gagalawin nyo bago kayo umaksyon at sirain ito.

    "KALIKASAN AY INGATAN NG WALANG MASAYANG NA BUHAY"

Sabado, Hulyo 16, 2011

Color of Friendship

The Color of Friendship





"Boys are whatever. Friends are forever"

       In my life. I’m always willing to give a new way for the strangers.  But, those strangers become the part of my ordinary life. I can’t remember how. I can’t remember why. I can’t remember the day and time that I met those persons who makes me feel complete and special in my own way. I never thought that because of them my life change in so many ways. They are the best gift that I received from God. 




          “Friends” a simple name, but for me it is the great word that I have. Friends are always strangers at first. They are the craziest person I've ever known. But they are the persons that I love in their simple way. Laughing until my eyes becomes teary; walking besides the roads, talking with loud voice is the best moment every single time with them. 

         We are always the center of attraction with the people around us. Walking with a toy guns, shouting “hold up”, sitting in the meat shop just to play “jack ‘n poy”, sleeping in the stairs, and sharing the problems. Telling crushes, love ones, hates, likes, are ordinary problems for each of us.  Trying something that is new to us, but we know our limitations in doing these. We can control our self. We can identify the right from wrong. Who knows? Someday we can create a new history in our generations in a good and positive way.



         
             A friend is one to whom one may pour out the contents of one’s heart, chaff and grain together, knowing that the gentlest of hands will take and sift it, keep what is worth keeping and with a breath of kindness. Years may grow older, but our friendship never. Because of it we discover our self. We shared laugh, tears and heartaches.  Under the magnetism of friendship the modest man becomes bold; the shy, confident; the lazy, active; and the impetuous, prudent and peaceful. No one can tell me why God let me met those persons. But there is one thing that is clear to me “strangers are simply friends you haven’t met yet”.

Lunes, Hulyo 11, 2011

Power of Love

        Love, a simple but meaningful word. As what they say, love is blind, but is the love who is blind or the person who can't really see the real worth of it? Sometimes, we can't find out the purpose of it, the explanation, and the reason why we need to show it with the other person's in our life. Don't matter how they act with you, but still you care for them. Love is a word that we need to mean for the sake of others.


                           
         Love is a magical feeling that binds two people in one life, one heart, and one path. It is only four letters, one word, but has a lot of meanings that we can't explain, because of it every person had a reason to live. It can cover a smile and the tears, inspiration that we can't expect, it is the powerful word who can explain the real worth of life for every individual reasons. We can show it by means of caring the person. Love ties every single people, love is a blessing that we need to share, without regrets. It can show happiness, tears, smiles and also heartaches, but as what I say love is a magical word that relieve all negative reasons in life
 


As an ordinary person, I can't understand the real meaning of it. Like, why others can't live without it? Why others cry and have their tears for the same reason. But, as I grow older I can see a love not in my life but for the persons around me. Therefore, love is an inspiration, not an addiction to a person.


Sabado, Hulyo 9, 2011

The Beauty of a Woman

The Beauty of a Woman

"I'm Bettyful" - Betty la Fea

                    Everyday when you get up in the morning you have two choices - either to feel ugly or to feel like a beauty queen. Every man has the real beauty that they can't see. They can't see it because they are depending to the judgmental eyes of others. Believe mo or not, your afraid to show to the others the real you because your afraid for the negative comments.

        The beauty of a man is not in the clothes they wears. The figures that she carries or the way they combs their hair. It's in her eyes, where love and care resides. Insecurity is a big crime. If they are whiter than you, then, who cares? You have an own natural color of skin. If they are taller than you, then, what's the matter of it? You have an own height. Real beauty is on how we carry people around us. It is on how we respect other's and especially our self. Attitude is the other side of beauty. It is our big asset and the beauty is the bonus. Everything means nothing. Be contented on what you have. Be happy for who you are. It doesn't matter even she is attractive than you. You have an own life and you are the queen of it. You can rule your life, you are free for what you want. You know what? Nobody's perfect. 

                     All of us has the beauty. Beauty that we can't see. Be the real one, be confident. Laugh your problems. Live for your life and love your self as what the real man did. You don't need to explain to the other's your self. if they truly sees your beauty it's up to them to judge you. In years, your face may wrinkle, your eyes may get dull, your bone will brittle, but the real beauty inside your self never. Next time, if you feel down because of insecurity, stand utand up and say - "I'm Bettyful" 

Huwebes, Hulyo 7, 2011

Bata, Bakit ka Nawawala??





Bata, Bakit ka Nawawala?





            Bata, bata asan ka na ba? Saan napupunta ang musmos na kagaya mo? Tuluyan ka na bnag inalis ng iyong magulang? "Kabataan ang pag asa ng bayan"? Sambit nating lahat sa lipunan. Ako, sila, tayong lahat ay saksi kung paano natin napapunlad at napapabagsak ang mapanghusgang mata ng lipunan sa ating mga kabataan. Pero isang katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. "Paano magkakaroon ng sinasabi nilang pag-asa ng bayan kung sa sinapupunan pa lang ay pinapatay na sila ng sariling magulang?". Masdan mo kaibigan at ng malaman mo ang katotohanan.

     Sa panahon ngayon, wala ng imposible, wala ng inosenti at wala ng bobo. Dahil ako mismo ay saksi sa karumal - dumal na krimen. Ang tinutukoy ko ay  ang abursyon. Hindi natin makakaila sa sarili natin na talamak na ang hindi mabilang na abursyong nagaganap sa ating bayan. Pinapatay nila ang sariling bata na nagtataglay ng sariling dugo't laman nila. Wag kayo'ng magpaka inosenti! Pagkat alam nyo kung ano ang aking sinasabi. Yan ba ang pag-asang hinihintay ng bayan? Sayang ka kaibigan! Sayang ang buhay nila. Hindi na nila mararanasang umakyat ng puno, maglaro ng chinese garter at maging boy/girl next door. Hindi ba nila nababatid na sila ay isang salot sa 
ating bayan.? Batid ng mga magulang at magiging magulang ang pagiging musmos. Musmos na walang alam kundi ang kagustuhang mag laro. Bata saan ka napupunta? Hindi ba't ika'y munting kayamanan? Pero bakit unti - unti kang nawawala na parang bula. Sa dami ng katanungan ko, may isa marahil na kasagutan na nakikita ko. Nalaman ko at mismong nasasaksihan ko na mismo'ng mga kabataan ang ang pumapatay sa magiging kabataan."Teenage Pregnancy" o ang maagang pagbubuntis na hindi nla natatanggap at natatakot na magkaroon ng responsibilidad. Kamalian ang kanilang nagagawa ng dahil dito. Kasalanang hindi lamang ang lipunan ang maghahatol kundi ang hatol sa kaitaas-taasan.
                                                                                        
                                                                                          .

          Hindi ko mapagtanto kung bakit ito nangyayari. Sa paglipas ng panahon nagbabago din ang henerasyon. Henerasyong babago at huhubog para mangibabaw sa lahat ng bagay. Paano ko'ng wala na tayo? May matatawag pa ba tayong kabataan? Wala! Wala! Wala! Wala...!!. Lahat tayo damay dito, tayo'ng lahat! Kaibigan, asan kana? Hindi lang ako, kundi kami, sila tayong lahat ay umaasa sayo. Umaasang sasalbahin ang mo ang bayan sa pagkakalubog. Aahon tayo at ipapakita ang tunay na tayo. Sapagkat hindi tayp papayag na lulubog tayo ng parang isang kumonoy. May pag- asa  pa kabataan! May pag asa pa!                                                                             
                                                                                           

Martes, Hulyo 5, 2011

Clarencian at Korean

Clarencian at Korean

      Umaga ng July 5, 2011, nang dumating ang mga bisitang yumanig sa CCMSF. Sila ay dumating sakay ng isang van, para bisitahin at alamin ang tunay na kalagayan ng paaralan kung bakit sa kabila ng lahat ay patuloy pa din ang pagsikat, pagkilala at mga hindi mabilang na mga parangal. Higit ito'ng ikinatuwa ng mga studyante at ng mga guro'ng patuloy na gumagabay sa studyante. 

       Hiyawan dito!
       Hiyawan doon! 
       Kaway dito!
       Kaway doon!

      Hindi masisi ang mga studyante kung bakit sila humahanga sa mga bisitang dumating. May mapuputing balat, singkit na mata at mababait ang mga spesyal na bisita. Dahil sila ay Korean na kinababaliwan ng mga tao sa bagong henerasyon. Maingay man ang mga studyante at hindi magkamayaw sa pagsunod sa mga Korean, mapupuna mo pa rin sa mga mata nila ang paghanga sa kapwa   Clarencian na si Wency Anotado             
                                                                                                        

Wency Anotado??? Sino sya sa palagay nyo?? hmm.. 

       Si Wency Anotado, isang 4th yr. student sa Clarencio Calagos Memorial School of Fisheries (CCMSF). Galing sa barangay Solsogon, Sta. Margarita Western Samar. Sya ay former technical operator sa campus journalism. Sa nakalipas na taon, sya ay nagpasyang mag bitiw sa Campus Journalism para maka pukos sa gawain ng Plan Philippines.Marami na rin syang nagawang mga dokumentaryo tungkol sa kahirapan na tinatamasa ng mga Pilipino sa ating bayan. Hindi mabilang na parangal at mga seminar ang kanyang naduluhan. 
Kaya hindi nakakapagtaka na sa huling seminar na kanyang nadaluhan sya ay nanalo sa National Level, sa paggawa ng mga dokumentaryong natutungkol sa kahirapan sa edukasyon. Sya ngayon ay dadalhin sa Seoul Korea para ilaban sa International Level sa mga dukomentaryo. Sya ang dahilan ng pagpunta ng mga Korean sa aming   paaralan.

      Sya ang nagpatunay na walang imposible sa lahat ng bagay. Kung iispin mo’ng kaya mo, kayanin mo, kung iisipin mo na ayaw mo, wala talagang mangyayari sayo. Isang karangalan ang dinala nya sa aming paaralan. Karangalang kailan man ay nakatatak sa paaralan namin at sa mga studyante. Ito ang nagpaptunay na hindi kami basta basta. Karangalan sa amin at higit sa lahat karangalan  sa Pilipinas.




Sabado, Hulyo 2, 2011

"Clarencian March"

Clarencian's March


Wing a hundred skies Clarencian
Bring home the glory to the land
Hold on to your dreams, battle all your fears
For we can reach the universe

Reach out for the sun Clarencians
Have the school banner with your hands
Unfold it's rays to the earth's sky
Clothe the world with color that fly

CCMSF our wisdom seat
Were proud of you and so we great
We know our minds as one will meet
We vow our hearts for you will beat

CCMSF with you will stay
A thousand roads walk through we may
But to your heart will find our way
We will be faithful well  always say

"Fishery Hymn"

"Fishery Hymn"


Beloved school of fisheries
Deep in our fondest memories
Sweet breezes gently sign they name 
dear through all the lands
across the seas

Whatever be our destiny
Through eons of eternity
We sing it loudly and very proudly
Deep in our heart they
cherished name will ever be

I rise to her call lastly pioneer
and give her all through gladness
and through tears
Let the wonder of her name
They glorious name reecho through the year

Sail on oh , happy ship!
Beloved school of fisheries
Keep on thy glorious trip
through life's uncharted stormy seas

Shine on from year to year
thy loyal children we will be
We love her ever, now and forever our Alma Matter dear

Biyernes, Hulyo 1, 2011

CCMSF - Home of Undefeated Journalist

Undefeated Journalist

 
                                                                                                       

                                                       
       

      CCMSF is a public fishery school here in Samar. A hundredth of students are studying here. But, there is one thing they didn’t know about this school. In first impression, you may judge it as an ordinary school having a fishpond inside the campus. Sometimes, the other schools, they underestimate the ability, ability to make a step through to the educational improvements.
                                                                              
Do you want to know the real spirit of Clarencians is?
Do you want to see there  dedication to the beloved school?

      Clarencio Calagos Memorial School of Fisheries is a “Home of Undefeated Journalist”.  For the past 7 years until now, they are still a record holder for having a high level of journalism among all the schools in Samar. The founder and organizer of campus journalism are no other than Mr. Jude T. Casaljay and Mrs. Delia Collamat
           National School Press Conference is a popular competition all over our country. Clarencian always make a line through NSSPC  for the past 7 years until now.  “Wow!” that’s was undefeated record. Now in a day, another school year having another batch of journalist that make our school proud. Improving our school not only in the physical appearance but also improving through educational  fields of journalism.


        The root is better, but the fruit is sweeter!