The Prayer - Marcelito Pomoy

Powered by mp3skull.com

Biyernes, Hulyo 29, 2011

Ganti



                  Isa, dalawa, tatlo, asaan na kayo? Apat, lima, anim, sana ay maibalik ka namin. Pito, walo, siyam, sampu, bakit pilit kayong sinisira ng tao? Napansin mo ba ang pagbabago sa ating kapaligiran? Wag kang maging bingi sa katotohanan. Alam kong, alam mo ang problema na pinapasan ng buong mundo. Wag mong sabihing wala kang pakialam dahil ikaw mismo ay suspek sa pagpapasakit sa kalikasang ginagalawan mo. Idilat mo ang mga mata mo at ng makita mo ang tunay na kalagayan ng kapaligiran. Sino ang may karapatan sa mundo? Ang tao ba ang kumokontrol sa kalikasan o ang kalikasan ang kumokontrol sa tao? Marami na akong nadinig, marami na akong nasaksihan. Saksi tayo sa pang-aabuso sa kapaligiran. Tama na! Sobra na! Wala na sa ating natira kundi mga basura. Lahat ng bagay ay may kapalit. Sa mga kinuha natin, meron din sa ating kukunin. Nalaman mo ba ang magiging kapalit? Di ba hindi? Pagtantuhin mo kung ano ang sinasabi ko at ng malaman mo.



              Marami na ang nasayang na buhay. Marami na ang naghirap at patuloy na naghihirap. Sa paglipas ng panahon marami na ang nabago. Tsunami, lindol, bagyo at kung ano ano pa ay hindi lamang basta basta. Kung hindi lamang natin pinutol ang mga puno wala sanang mga pagguho, wala sanang nasayang na ari-arian at wala sanang nawala na mga buhay. Kung wala lang sana ang mga pabrika na lumalason sa mga tubig. Meron pa sana tayong mga isda at mga yamang tubig na makikita, magagamit at maipagmamalaki. Kung wala  lang sana ang mga matataas na mga bilding, wala sanang masasaktan kung may lindol. 
                Ito na ba ang ganti? Ganti sa ating mga kasalanan. Ganti sa ating mga sinayang at sinasayang sa kapaligiran. Ganti sa ating mga kamalian. Tayo mismo ang gumagawa ng paraan upang tayo ay mawala. Unti - unti nating pinapatay ang paligid. Ang mga sakuna, ay paraan lamang upang tayo ay magsisi. Masasabi nating pagsubok lamang ito, matira ay matibay. Pero, kung ang kalikasan ang gumanti, walang matibay at siguro wala ng matitira sa paglipas ng mga panahon. Hindi natin nakikita, hindi natin nararamdaman at hindi natin napapansin na tayo ay unti unti ng sinisingil Singil sa kung ano man ang kinuha at kung ano man ang sinira.


             "Hindi nga masama ang pag-unlad at malayo layo na rin ang ating narating" ika ng awitin. OO! Uunlad nga tayo, pero patuloy tayong mangungulila sa nakagisnang paligid. Balang araw hahanapin natin ang paligid na sinira natin. Balang araw pagsisisihan natin ang kasalanang ginawa natin sa kalikasan. Hindi na ako siguro magtataka kung tayo mismong mga tao ay sisingilin ng higit pa sa kinuha natin. Damang dama ko kung paano gumanti ang kalikasan. Diba, lahat ay may kapalit? Kung ang mga puno, hayop, at tubig ay nawawala, paano pa kaya tayo. Paano pa kaya natin makakaya na mabuhay kung pinatay na natin ang nagpapaunlad sa atin. Pag-isipan nyo ang mga gagalawin nyo bago kayo umaksyon at sirain ito.

    "KALIKASAN AY INGATAN NG WALANG MASAYANG NA BUHAY"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento