The Prayer - Marcelito Pomoy

Powered by mp3skull.com

Huwebes, Hulyo 7, 2011

Bata, Bakit ka Nawawala??





Bata, Bakit ka Nawawala?





            Bata, bata asan ka na ba? Saan napupunta ang musmos na kagaya mo? Tuluyan ka na bnag inalis ng iyong magulang? "Kabataan ang pag asa ng bayan"? Sambit nating lahat sa lipunan. Ako, sila, tayong lahat ay saksi kung paano natin napapunlad at napapabagsak ang mapanghusgang mata ng lipunan sa ating mga kabataan. Pero isang katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. "Paano magkakaroon ng sinasabi nilang pag-asa ng bayan kung sa sinapupunan pa lang ay pinapatay na sila ng sariling magulang?". Masdan mo kaibigan at ng malaman mo ang katotohanan.

     Sa panahon ngayon, wala ng imposible, wala ng inosenti at wala ng bobo. Dahil ako mismo ay saksi sa karumal - dumal na krimen. Ang tinutukoy ko ay  ang abursyon. Hindi natin makakaila sa sarili natin na talamak na ang hindi mabilang na abursyong nagaganap sa ating bayan. Pinapatay nila ang sariling bata na nagtataglay ng sariling dugo't laman nila. Wag kayo'ng magpaka inosenti! Pagkat alam nyo kung ano ang aking sinasabi. Yan ba ang pag-asang hinihintay ng bayan? Sayang ka kaibigan! Sayang ang buhay nila. Hindi na nila mararanasang umakyat ng puno, maglaro ng chinese garter at maging boy/girl next door. Hindi ba nila nababatid na sila ay isang salot sa 
ating bayan.? Batid ng mga magulang at magiging magulang ang pagiging musmos. Musmos na walang alam kundi ang kagustuhang mag laro. Bata saan ka napupunta? Hindi ba't ika'y munting kayamanan? Pero bakit unti - unti kang nawawala na parang bula. Sa dami ng katanungan ko, may isa marahil na kasagutan na nakikita ko. Nalaman ko at mismong nasasaksihan ko na mismo'ng mga kabataan ang ang pumapatay sa magiging kabataan."Teenage Pregnancy" o ang maagang pagbubuntis na hindi nla natatanggap at natatakot na magkaroon ng responsibilidad. Kamalian ang kanilang nagagawa ng dahil dito. Kasalanang hindi lamang ang lipunan ang maghahatol kundi ang hatol sa kaitaas-taasan.
                                                                                        
                                                                                          .

          Hindi ko mapagtanto kung bakit ito nangyayari. Sa paglipas ng panahon nagbabago din ang henerasyon. Henerasyong babago at huhubog para mangibabaw sa lahat ng bagay. Paano ko'ng wala na tayo? May matatawag pa ba tayong kabataan? Wala! Wala! Wala! Wala...!!. Lahat tayo damay dito, tayo'ng lahat! Kaibigan, asan kana? Hindi lang ako, kundi kami, sila tayong lahat ay umaasa sayo. Umaasang sasalbahin ang mo ang bayan sa pagkakalubog. Aahon tayo at ipapakita ang tunay na tayo. Sapagkat hindi tayp papayag na lulubog tayo ng parang isang kumonoy. May pag- asa  pa kabataan! May pag asa pa!                                                                             
                                                                                           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento