The Prayer - Marcelito Pomoy

Powered by mp3skull.com

Martes, Hulyo 5, 2011

Clarencian at Korean

Clarencian at Korean

      Umaga ng July 5, 2011, nang dumating ang mga bisitang yumanig sa CCMSF. Sila ay dumating sakay ng isang van, para bisitahin at alamin ang tunay na kalagayan ng paaralan kung bakit sa kabila ng lahat ay patuloy pa din ang pagsikat, pagkilala at mga hindi mabilang na mga parangal. Higit ito'ng ikinatuwa ng mga studyante at ng mga guro'ng patuloy na gumagabay sa studyante. 

       Hiyawan dito!
       Hiyawan doon! 
       Kaway dito!
       Kaway doon!

      Hindi masisi ang mga studyante kung bakit sila humahanga sa mga bisitang dumating. May mapuputing balat, singkit na mata at mababait ang mga spesyal na bisita. Dahil sila ay Korean na kinababaliwan ng mga tao sa bagong henerasyon. Maingay man ang mga studyante at hindi magkamayaw sa pagsunod sa mga Korean, mapupuna mo pa rin sa mga mata nila ang paghanga sa kapwa   Clarencian na si Wency Anotado             
                                                                                                        

Wency Anotado??? Sino sya sa palagay nyo?? hmm.. 

       Si Wency Anotado, isang 4th yr. student sa Clarencio Calagos Memorial School of Fisheries (CCMSF). Galing sa barangay Solsogon, Sta. Margarita Western Samar. Sya ay former technical operator sa campus journalism. Sa nakalipas na taon, sya ay nagpasyang mag bitiw sa Campus Journalism para maka pukos sa gawain ng Plan Philippines.Marami na rin syang nagawang mga dokumentaryo tungkol sa kahirapan na tinatamasa ng mga Pilipino sa ating bayan. Hindi mabilang na parangal at mga seminar ang kanyang naduluhan. 
Kaya hindi nakakapagtaka na sa huling seminar na kanyang nadaluhan sya ay nanalo sa National Level, sa paggawa ng mga dokumentaryong natutungkol sa kahirapan sa edukasyon. Sya ngayon ay dadalhin sa Seoul Korea para ilaban sa International Level sa mga dukomentaryo. Sya ang dahilan ng pagpunta ng mga Korean sa aming   paaralan.

      Sya ang nagpatunay na walang imposible sa lahat ng bagay. Kung iispin mo’ng kaya mo, kayanin mo, kung iisipin mo na ayaw mo, wala talagang mangyayari sayo. Isang karangalan ang dinala nya sa aming paaralan. Karangalang kailan man ay nakatatak sa paaralan namin at sa mga studyante. Ito ang nagpaptunay na hindi kami basta basta. Karangalan sa amin at higit sa lahat karangalan  sa Pilipinas.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento